A Glimpse

Since I got to create this Blog only last night, guess I must be introducing myself first. I would want to share a glimpse of my (non-sense) life to you so we can get to know each one. I will be using the autobiography I have submitted to my Rizal class couple of months ago.

Happy reading! 🙂

BIYAHENG TOTOO: Munting Pagkilala kay Binibining Maldonado

            Ako si DHESSERY MHAE MIRANDA y MALDONADO, dalawampung taong gulang. “Mhae” ang karaniwang tawag sa akin ng lahat ng aking kaibigan at pamilya. Isinilang sa bukangliwayway ng ika-labing anim ng Agosto taong isang libo, siyam na raan, siyamnapu’t lima sa San Pablo Medical Center, Lungsod ng San Pablo, Laguna. Nananahan ako sa Sta. Ana, Sto. Tomas, Batangas. Ako ang panganay na supling nina Ginang Elena Castillo Miranda- Maldonado, tubong Sto. Tomas at Francisco Sarmiento Maldonado ng Lipa City. Mayroon akong nakababatang kapatid, si Klay Ann Maldonado na labingwalong taong gulang. Ang nanay ko ay isang dakilang guro ng pre-elementarya sa isang barangay sa aming munisipalidad at ang aking ama naman ay isang magiting na drayber ng isang pribadong pamilya.

          Pinangarap kong maging isang Saleslady sa SM noong musmos pa ang aking kaisipan. Naging pangarap ko din ang maging guro dahil sa nais kong makapagturo. Nais kong magbahagi ng kaalaman at natatanging kakayahan sa iba, na noo’y kapwa ko mga estudyante. Kabilang din sa mga naging pangarap ko ay ang maging isang doktor upang gamutin ang aking sarili sa tuwing dinadala ako ng nanay ko sa ospital. Mahina ang aking resistensya noon at madalas tamaan ng mga sakit. Dalawang beses na akong tinamaan ng Dengue at isang beses naman ng Bronchitis.

            Tumuntong ako ng pre-elementarya noong ako ay apat na taong gulang pa lamang.  Limang taon at kalahati noong ipinagapatuloy ko ang elementarya at nagtapos sa Mababang Paaralan ng Sta. Ana (Sta. Ana, Sto. Tomas, Batangas) bilang Valedictorian noong ika-dalawampu’t pito ng Marso Dalawang Libo’t Pito. Buhat noong Kindergarten hanggang sa aking ika-anim na baitang, ako ang nagkamit ng Unang Karangalan. Iba’t-ibang mga pagkilala, parangal at pagpapaunlak sa maraming larangan din ang aking nakamtan. Ako ang naging Pangulo ng aming Batch at ng iba’t-ibang organisasyon gaya ng Math Club at Science Club. Ako rin ang naging Punong Patnugot ng aming pahayagan, Ang Pluma. Mura pa man noon ang aking pag-iisip, mayroon na akong puso sa pamamahayag at pakikialam sa mga isyu at usapin ng lipunan.

            Napagtagumpayan ko ang unang pwesto sa taunang District English Literacy Contest 2006, unang pwesto din sa District Schools Press Conference- Feature Writing Contest 2006 ika-apat na pwesto sa District Schools Press Conference- English Photo Journalism and Lay Outing Contest 2006. Samantala, nakamtan ko naman ang ikatlong pwesto sa District General Science Quiz Bee 2005, ika-apat na pwesto sa District DepEd-MetroBank-MTAP-Mathematics Challenge 2007, at ika-sampung pwesto sa Division Schools Press Conference- Feature Writing Contest. Kabilang dito, ginawaran din ako ng Leadership Award sa aking pagtatapos.

           Tulad ng maraming bata na nabibilang sa ganoong edad, naranasan ko din ang magkaroon ng munting inspirasyon. Isa sya sa pinakauna at pinakamalalapit na kaibigan ko mula Kindergarten. Siya ang nagiging dahilan ko sa pagsisimulang pag aayos ng sarili upang maging kaaya-ayang tingnan. Siya ang dahilan ng ningning sa aking mga mata kahit na isa sya sa mga kakompetensya ko sa eskwela. Naglayo ang aming landas noong tumuntong ng sekundaya ngunit magkaibigan pa rin hanggang sa kasalukuyan,

            Ipinagpatuloy ko ang pagtuklas sa dunong at kaalaman sa Mataas na Paaralan ng San Jose sa San Jose, Sto. Tomas, Batangas, taong 2007. Sa loob ng apat na sulok ng institusyong ito ko mas nakilala ang aking sarili at nilipon ang mga bahaging bumuo sa piraso ng aking pagkatao. 

            Inihalal ako ng aking mga kamag-aaral at kapwa noo’y mga nasa Unang Taon bilang Pangulo ng aming Batch. Kaugnay ng posisyong ito ay ang maging kinatawan ng Unang Taon at maging boses sa kung anuman ang mga kaganapan sa eskwelahan. Sa aking Unang Taon din sa sekundarya ko naranasan ang pagbitbit sa bandila ng paaralan nang matagumpay kong naasam ang kampyonato sa District General Science Quiz Contest 2007.

           Dahil sa aking mga karanasan sa pamamahayag noong elementarya, ako ang napiling Pangalawang Patnugot ng aming Opisyal na Pahayagan, Ang Manggagawa. Sa aking Ikalawang Taon, ipinagpatuloy ko ang responsibilidad sa pamamahayag at pamumuno. Ako pa rin ang nahalal na kinatawan ng Ikalawang Taon sa Supreme Student Government Organization habang ako pa rin ang tumayong Pangalawang Patnugot ng aming pahayagan. Sa taong ito ko rin natutunan na ihayag ang aking sarili bilang isang lakambini. Ako ang nahirang ng aming pangkat, II-Sampaguita, na lumaban sa School-Based Binibining Kalikasan 2008 ngunit nabigong maiuwi ang korona at nasungkit lamang ang titulong Miss Regal. Sa aking Ikatlong Taon naman, ako ang naging Punong Patnugot at ang nahalal na Ingat-Yaman ng Supreme Student Government 2009-2010. Ako rin ang naging Miss Junior noong aming JS Promenade kasama ng mga Lalabing-animing-abril at mga Bagong Tao.

             Naging iskolar ako ng Mariwasa Siam Ceramic Group – Batangas sa aking ikatlo at ikaapat na taon. Isa itong pribadong kompanya na naglalayong matulungan ang mga estudyanteng nag-aaral sa publikong paaralan sa Sto. Tomas at nagsisikap na makatapos sa kabila ng kakapusan sa buhay. Napabilang ako sa iilan lamang na napili upang maging iskolar at maging kinatawan ng aming paaralan.

            Ipinagpatuloy ko pa rin ang aking dedikasyon sa pamamahayag at pagiging Punong Patnugot ng Ang Manggagawa, naging Pangulo ng Supreme Student Government 2010-2011 at naging Miss Alma Mater sa aking ikaapat na taon. Kabilang din ako sa mga naging kalahok sa 2011 National Children’s Commision on Television, isang seminar sa pagpapaunlad sa kabataan at pagpapa-ibayo ng henerasyon na aming kinabibilangan sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng TV, Internet at teknolohiya sa pamamahayag. Napanalunan ko ang Best Script Writer at kabilang ako sa grupong nagwagi ng Best in Broadcast Performance. Isa din sa mga pambansang pagtitipon na nadaluhan ko ay ang National Leadership Training for Student Government Officers na ginanap sa Teachers’ Camp, Baguio City noong 2009 at 2010. Layunin nitong hasain pa ang kakayanan ng mga kabataang lider sa pamumuno na nagsisimula sa paaralan at sariling komunidad.

             Nagtapos ako bilang Valedictorian. Kabilang sa mga parangal na aking nakamit ang Grammarian of the Year, Orator of the Year, Mathematician of the Year, Computer Wizard of the Year, Dancer of the Year, Actress of the Year, Campus Journalist of the Year, Essayist of the Year, Debater of the Year, Scientist of the Year, Best in Filipino, Best in TLE, Best in MAPEH, Most Industrious, Most Likely to Succeed at ako rin ang ginawaran ng Gerry Roxas Leadership Award.

            Sa aking huling taon sa sekundarya ko naranasan ang tamis at pait na dulot ng pag ibig. Nakilala ko ang aking unang naging kasintahan na noo’y kamag-aral ko sa Ikatlo hanggang Ikaapat na taon. Naging mabuting magkaibigan kami at di naglao’y nahulog ang damdamin para sa isa’t-isa. Mahigit sa isang taon din namin pinunan ng pagmamahal ang ulilang puso ng bawat isa. Ngunit, gaya ng marami, ang lahat ng bagay ay may hangganan. Pareho kaming tumuntong ng kolehiyo at tuluyang nagkawalay ng pisikal na landas. Ipinagpalit nya ako sa noo’y bago pa lamang niyang nakilalang kamag-aaral. Nabalitaan kong ilang linggo lamang tumagal ang relasyon nila at naghiwalay din. Sinubukan nyang makipagbalikan at ipagpatuloy ang aming relasyon ngunit pinili kong hindi na balikan pa ang aming naudlot na istorya.

            Binagtas ko ang Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Kumuha ako ng BA Sociology dahil sa nandito ang sining na nasa puso ko. Nais kong mas maintindihan ang mga isyung panlipunan at maging mulat sa mga nangyayari sa paligid gamit ang sosyolohikal na pagtingin. Ang Dalub-Ulnungan ang pook na nais kong galawan sa pagsuri ng mundo. Kaugnay nito, panagarap kong maging isang mahusay na abogado pagdating ng panahon. Sa kasalukuyan ay isa na akong bagong kaanib ng Philippine League of Sociology Students – UP Los Baños Chapter. Tinanggap ko ang hamon na makisalamuha sa iba pang estudyante sa ilalim ng BA Sociology Program mula sa iba’t-ibang mga unibersidad at magkaroon pa ng ibang mga kaalaman at karanasan sa larangang aking napili.

            Tungkol naman sa ilan sa mga detalye ng aking pagkatao, rosas ang kulay na pinaka kaakit-akit para sa aking paningin. Tila ba nakakagaan masdan ang mga bagay na ganito ang kulay. Pagdating sa mga pagkain, kinahiligan ko ang pritong manok, spaghetti, vegetable salad, pizza, sisig at mga pagkaing maanghang. Mahilig akong lumabas kasama ng mga kaibigan. Pop music at ballad naman ang aking kinahiligan. Pagdating sa mga mang aawit si Taylor Swift ang nangunguna sa aking listahan kasama ni Avril Lavigne at Sarah Geronimo. Fault in Our Stars ang pelikulang pinakatumatak sa puso ko. Sina Anne Hathaway, Maja Salvador, Zack Efron at Coco Martin naman ang mga paborito kong actor at aktres. Idolo ko din si Sen. Mirian Defensor-Santiago sa kanyang talino, dedikasyon, prinsipyo at mga paninindigan bilang tao at mamamayang Pilipino.

            Madasalin ako at may malalim na pananalig sa Panginoon. Isa ito sa mga aral na itinuro sa akin nga aking mga magulang. Pamilya ay isa sa mga pinakapinahahalagahan kong tao sa lahat. Sa kanila ako humuhugot ng lakas upang humarap sa mga pagsubok sa aking buhay. Malalim din ang aking pagpapahalaga sa aking mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Sila ang isa sa mga itinuturing kong yaman sa mundo.

            Sa kasalukuyan, isa ako sa libu-libong estudyante ng UP at patuloy na nagsisikap upang makatapos at maabot ang tugatog ng tagumpay. Ang bawat kwento, bawat hamon, bawat balakid ay alam kong may makabuluhang patutunguhan sa bandang huli. Matamis man o mapait ang lahat ng ito, naniniwala akong kabilang ang mga ito sa ruta ng byahe ng aking buhay.

            Masaya akong maibahagi sa lahat ang aking munting talambuhay. Nawa ay naipakilala ko sa lahat ng mambabasa ang katauhan ng binibining may-akda.

 

So there! Just told you my story. What’s yours?  🙂

Advertisements

One thought on “A Glimpse

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s